Ogie Diaz, nakita ang larawan ng 'di umano'y nabuntis ni Chiz Escudero: 'Lawyer yata'



Nabanggit ni Ogie Diaz sa pinakabagong episode ng kanyang 'Showbiz Update' ang tungkol sa 'di umano'y babaeng nabuntis ni Senator Chiz Escudero.


Nalaman ng Trending Bytes na isang source ni Ogie Diaz ang nagpakita sa kanya ng larawan ng babae na sinasabing isa umanong abogado.


"May nag-send sa akin ng picture 'nung girl. Siyempre hindi naman ako, Ay 'wag kang maingay, siya 'yun.. Aah, may gano'n," ani Ogie.


"Siyempre since pribadong tao yun, hindi para ilabas natin dito. Kasi baka mali 'yung picture 'di ba? Maiskandalo 'yung pamilya. Pero parang ano rin yata 'yun, lawyer din ata yun," dagdag pa ni Ogie.


"Kasi ang chika pa, chief of staff 'ata," ayon naman kay Tita Jegs.


At nang matanong naman si Ogie kung ano ang itsura ng babae, hindi raw ito kahawig ni Heart.




"Siguro hindi sila magkamukha. 'Yung magkasing ganda e hindi rin naman sila magkasing ganda. Mayroong sariling ganda 'yung girl, May sarili ring ganda si Heart. So nasa mata naman ng tumitingin 'yun," ani Ogie.


Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update: