Ogie Diaz, napabungingis sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV



Aminadong 'na-bother ng slight' si Ogie Diaz sa umano'y kinalabasan ng production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV.


Nalaman ng Trending Bytes na tahasang nasabi ni Ogie na siya'y napabungisngis nang mapanood ang kabuuan ng song and dance number ni Toni.



"Nangiti lang ako nu'ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni," bungad niya at naihalintulad pa niya ito sa GMA Supershow noong araw.


Subalit nagbigay naman ng suggestion si Ogie na sana'y mag-invest umano ang naturang bagong istasyon sa kanilang mga kagamitan para sa ikagaganda ng programa ng ALLTV.


"Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya," pahayag ni Ogie.


Inintindi na lamang din niya ito gayung nag-uumpisa pa lamang ang AMBS2 at ALLTV sa ere kamakailan.


Narito ang kabuuan ng kanyang post:




Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".