Rendon Labador, tinawag na duwag si Marc Pingris kaugnay sa hamon nito



Tinawag ni Rendon Labador si Marc Pingris na duwag matapos umano nitong hindi magparamdam sa kanya kasunod ng hamon nito na 1 on 1 match kay Rendon. Dagdag pa niya, dapat ay umano may camera talaga para umano ay wasakan ng dangal at makita ng buong mundo sino pinakamalakas



Sa kanyang mga Facebook post ay sunod-sunod ang mga pahayag ni Rendon kaugnay sa hamon sa kanya. Inudyukan niya rin ang mga netizens na huwag magalit sa kanya dahil aniya ay pumalag lang siya sa hamon.


"Guys huwag kayo magalit. Ako yung hinamon, pumalag lang ako kasi hindi naman ako duwag sa basketball. Nanahimik ako dito last week lang.


"Nasan na ba yung nag hahamon ng 1V1?


"Dapat may camera para wasakan ng dangal, makita ng buong mundo sino pinaka malakas.




Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.