Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20 dahil sa pagiging masinop sa pera



Ayon kay Richard Gomez, tinawag siya umano noon na makunat dahil sa kanyang pag-iipon. Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya, naibahagi niyang kalahati umano ng kanyang kita ay tinatabi niya sa bangko kaya naman sa edad na 20 ay naging milyonaryo siya.


Unang napundar niya ay bahay kahit noong binata pa lang siya. Simula nang pumasok siya sa showbiz sa edad na 17 ay naging masinop ito sa kanyang pera dahil na rin sa payo sa kanya ng dati niyang manager. Tinuruan siya nito ng kahalagahan ng pag-iipon.


Nang kinasal siya kay Lucy ay napagpasyahan nilang ibenta ang bahay na iyon dahil hindi naman umano nila nagagamit.




Aniya, ang maituturing niyang kabilang sa kanyang best investment ay real estates.


Maging si Ogie ay aminadong hinahangaan si Richard pagdating sa kanyang paghawak at pagpapalago ng kanyang pera.


Si Richard Gutierrez ay naihalal bilang congressman ng fourth district ng Leyte kung saan siya nanilbihan bilang isang Mayor ng Ormoc City, Leyte. Kilala rin siya bilang si Goma at isa din siyang athlete, actor at director.