Vhong Navarro, pinanindigang hindi niya hinalay si Deniece Cornejo



Nanindigan si Vhong Navarro na hindi totoo ang binibintang sa kanya kaugnay sa umano'y panghahalay niya kay Deniece Cornejo. Sa panayam ng ABS-CBN News kay Navarro, sinabi niyang ang tanging naging kasalanan niya lang noon ay nang lokohin niya ang girlfriend niya noong panahong iyon na ngayon ay kanya nang misis.



Sa kabila ng kanyang pahayag ay aminado siyang nababahala siya sa muling pagbubukas ng kasong nauna nang binasura ng DOJ.


Sa isang ulat ng Lion Hear TV, noong August 25, 2017 ay nahatulang guilty ng grave coercion sina Deniece at Cedric Lee.


Samantala, sa muling pagbuhay sa kaso kay Vhong, isa si Bianca Lapus sa naghayag ng kanyag suporta sa dating asawa. Sa isang ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Bianca na magiging mahirap sa kanya na mag-co parent kay Vhong kung hindi ito mabuting tao. Kaya naman aniya ay suportado niya ito.




Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.