Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak



Inamin ni Vice Ganda na gusto niya din magkaroon ng kanyang sariling anak. Kung siya ang masusunod, babae umano ang gusto niya para maayusan niya ang kanyang magiging anak.


Aniya, hindi niya pa alam kung kailan niya magagawa iyon pero nagbibilang daw siya ng mga taon kung maalagaan niya ang anak.




“Actually, nagko-compute din ako. Maaalagaan ko pa ba ito pag ganito'ng edad [ko]?’ Pag nag-debut siya, ilang taon ako nun? Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya? Iniisip ko rin iyong mga ganoon,”