Wilbert Tolentino, pumalag sa blind item na umano'y si Herlene Budol ang tinutukoy



Sigurado umano si Wilbert Tolentino na si Herlene Budol ang tinutukoy ng isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin.



Paglilinaw ng manager ni Herlene, hindi naman umano sa tumatanggi siya ngunit ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.


"Sure ako si Herlene Hipon Budol ang tinutukoy. hindi naman po sa tumanggi po ako pero dahil during nag iinquire po sila indi pa naka pag sign ng contract sa Binibining Pilipinas ang artist. Siempre bilang Manager obligasyon ko protektahan ang artist ko dahil may tamang proseso at kinakailangan dumaan eto sa organisasyon ng BBP. kapag sinabi ipag paalam kailangan pala e write up na? di ba in good relation naman ako sa lahat including pep.ph...Happy???"




Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.