2-anyos, aksidenteng naka-order ng nasa 60 produkto na may halagang Php20,000
Isang dalawang taong gulang na bata ang aksidenteng nakapag-place ng orders sa isang online shopping app.
Kwento ng kanyang mommy na si Denzen Manliguez, pinagagamit niya ang kanyang anak ng cellphone para lang manood o maglaro.Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, naka-order ito ng nasa 60 na mga produkto na may kabuuang halaga na Php20,000.
Sa panayam sa kanya ng 'Dapat Alam Mo!' ng GMA, nakwento ni Denzen ang mga produktong na-order ng kanyang anak na si Denise.
"Pang-baby po lahat eh... Tapos may mga crop top pa, may mga gamit din po sa bahay," ani Mommy Denzen.
Kaya naman matiyaga niyang inisa-isa ang pagkausap sa mga store owner para i-cancel ang mga orders at ilahad ang pangyayari.
At dahil sa nag-viral ang kanyang post, maging ang mga delivery riders ay nauunawaan ang kanyang sitwasyon kaya't hiningan lamang umano siya ng ID para sa kumpirmasyon ng kaselasyon ng mga na-order.
Sa ngayon, hindi na raw muna niya pinagagamit si Denise ng kanyang cellphone upang 'di na maulit pa ang pangyayari.
Narito ang kabuuan ng video: