Anak ni Karen delos Reyes, marunong na sa basic Algebra sa edad na 4 taon



Kinabiliban ang anak ni Karen delos Reyes na si Lucas Gabriel sa husay at talino nito. Sa kanyang murang edad ay marunong na ito sa basic Algebra.


Sa binahaging video ni Karen ay makikita si Lucas na nagsasagot ng isang Algebra problem. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:


"Grabe ka! Galing Galing mo!"


"Ay grabe, kainis kang bata ka! intelehente. Kaka-proud pag ganyan ang baby, bata palang nakikitaan na ng talento at karunungan, galing!"


"OMG pang-high school na yan baby Gabby. Napakagenius talaga ng baby na to."




Si Karen delos Reyeay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isang actress at comedian sa GMA Network. Una siyang sumikat dahil sa isang patalastas ng isang fastfood chain kung saan gumanap siya bilang si Karen na apo ng isang lolo na nag-uuliyanin na. Kinalaunan ay nakasama siya sa Click. Siya rin ang gumanap na Savanna sa seryeng Mulawin na pinagbidahan nina Angel .