Andrew Schimmer, lumuluha na nag-update; "Yesterday was one of the hardest fight of her life"



Sa update ni Andrew Schimmer ngayong Oktubre 29, hindi nito napigilang maluha habang humihingi rin ng dasal para sa pagbuti ng lagay ng misis na si Jorhomy 'Jho' Rovero.


Nalaman ng Trending Bytes na may nakita umanong 'bleeding and swelling' sa utak ni Jho base sa huli nitong MRI.


"Actually, medyo malungkot lang. Nag-MRI test tayo kahapon and then doon sa kanyang MRI, nakita natin na may bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya," panimula ni Andrew sa update sa kanyang misis.



"Tapos kahapon during the MRI test, nag-arrest na naman siya. Nagkaroon siya ng second arrest kahapon. So hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Guys, help me pray. Kasi sa mga panahong ito, lumalaban talaga siya. Lumalaban po ulit siya ng sobrang grabe. Kaya kagabi pa po kami nagdadasal para sa kanya," dagdag pa nito.


Nilarawan niyang 'hardest fight of her life' ang nangyari na ito sa kanyang misis kamakailan at kitangkita niya raw kung paano ito lumalaban sa kanyang karamdaman.


"Right now, she really needs a lot of prayers. She is really fighting for her life. Lumalaban po talaga siya. Galing lang po ako sa kanya kaninang madaling araw... And yesterday was one of the hardest fight of her life and she is trying to win it"


Bukod dito, walang humpay pa rin ang pasasalamat niya sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagdarasal para sa kanyang misis at sa kanilang pamilya.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: