Andrew Schimmer, nag-hysterical umano dahil sa sama ng loob sa nangyari sa asawa



Aminado si Andrew Schimmer na sa sobrang sama ng loob niya ay nag-hysterical siya nang mapagtanto niyang may mali ang nutritionist na nag-prescribe ng sobrang sodium sa asawa niya. Sa kanyang pagbabahagi ng detalye ng pangyayari sa panayam nina Julius at Tintin Babao, pinanindigan niyang hindi niya ililipat ang asawa niya sa ibang ospital.


Aniya, magkakaroon ng epekto sa kidney ng asawa niya ang nangyari kaya pinanindigan niyang dapat ay ayusin ng ospital ang problema.


"Mag-iiwan ng permanent damage sa kidney niya itong scenario na nangyari na to. So kailangan nila tong harapin, kailangan nila tong ayusin."



Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).