Andrew Schimmer sa lagay ng kanyang misis; "Everything is going smoothly"



Matapos ang ilang araw mula nang muling ibalik si Jho Rovero sa ospital, nagbigay ng update ang kanyang mister na si Andrew Schimmer ukol sa kanyang kalagayan.


Nalaman ng Trending Bytes na inanunsyo ni Andrew na maayos na umano ang lagay ng kanyang misis na nasa ICU dahil na rin sa mga mahuhusay na doktor at nurses na nakasubaybay sa kalagayan nito.


"Bumababa na 'yung sodium level, actually malaki na 'yung ibinaba. Magaling yung sobrang husay ng mga attending doctors kahit yung mga nurses dito sa ICU sa 3rd floor. Very good and very very effective. Talagang para akong nabunutan ng tinik sa dibdib," ani Andrew.


Matatandaang nilagnat at nagsusuka ang kanyang misis na noo'y nasa kanila nang tahanan kaya naman naisipan na nilang ibalik sa ospital.



Doon nila nalaman na tumaas pala ang sodium level nito, bagay na naisisi 'di umano ni Andrew sa nutritionist ng kanyang misis.


Subalit sa update nito ngayong Oktubre 22 base sa isinasagawang gamutan kay Jho nito lamang Oktubre 21, sumasailalim naman ito sa dialysis ngunit malayo na raw ito sa kritikal na kondisyon.


Narito ang kabuuan ng update ni Andrew mula sa YouTube channel nila na The Schiummers: