Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"



Isa sa mga tinalakay ni Cristy Fermin sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na! ay ang madalas na pagpo-post ni Andrew Schimmer ukol sa lagay ng kanyang misis na si Jho Rovero.


Nalaman ng Trending Bytes na marami na raw umanong kumikwestyon kay Andrew bakit tila nadadalas ang pag-post nito sa nangyayari sa kanyang asawa at naisipan pa umano nilang ilagay ito sa kanilang YouTube channel na 'The Schimmers.'


Ayon pa kina Cristy, Morly Alinio at Romel Chika tila idinedepende na umano ni Andrew sa publiko ang gastusin ng asawa sa pamamagitan ng pagpapaawa nito.


"Andami-dami kong nakakausap mga ka-chika, mga kaibigan, mga propesyunal, mga doktor pa nga ang iba at abogado. Ang tanong nila, yung isa pangalawa na pagpapa-interview maiintindihan po yun. Pero yung i-vlog mo yung araw-araw na nagaganap sa inyong personal na buhay yun na po ang kwestyonable na talaga sa marami nating mga kababayan," ani Cristy.


"At ang kanilang tanong, parang masyado na raw idinedepende ni Andrew ang mga gastusin ng kanyang asawa sa pagpapaawa," dagdag pa niya.


Binigyang diin naman ni Romel na ang pahayag na ito ay hindi umano personal na nanggaling sa kanila kundi sa mga taong kanilang nakakausap.


"Andun naman yung kanyang panghihingi ng panalangin sa ating mga kababayan. Pero alam mo yung pagsasabi niyan, hindi niyang matatakpan yung tunay na dahilan kung bakit ipinakikita mo ang mga nagaganap sa asawa mo na dapat ay kayo nalang ang nakakaalam," ayon pa kay Cristy.


Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!: