Ivana, na-prank muna ang ate na nawawala si Gab bago niya bigyan ng future fund nito



Isang kakaibang prank ang naisip nina Ivana Alawi at kanyang pamilya sa kanilang Ate Amira.


Nalaman ng Trending Bytes na naisipan nilang i-prank ito na kunwari'y mawawala ang apat na taong gulang na anak nitong si Gabriel.


Iniwan kasi nila sa salon ang ate at nagpaalam na mamimili. Nang tanungin naman si Gab, sinabi nitong mananatili lang siya sa kanyang mommy.


Subalit ang totoo, isinama pa rin ito nina Ivana at inihabilin sa kanilang tita na kilala naman ng bata.


Kaya naman nang magbalik na si Amira kung nasaan ang kanyang pamilya, laking gulat nito na hindi nila kasama ang kanyang anak.


Makikita sa video ang labis na pag-aalala ni Amira na hindi naisip na maaring prank lamang iyon ng kanyang mga kapatid at ng kanyang ina.


Kaya naman nang makita ang anak na siyang nagsabi ng 'It's a prank!' mas lalong naging emosyonal ang tagpo.




Doon, ibinigay na rin ni Ivana ang malaking halaga ng pera na umano'y future fund ng kanyang pamangkin na si Gab.


Labis naman ang pasasalamat ni Amira na binigyang puri rin ni Ivana sa pagiging single mom nito na kinakakaya ang pagtataguyod mag-isa sa kanyang anak.


Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi: