Jamie Bautista, pinagtanggol ang mister na si Anthony Leodones



Nagkasagutan sina Jamie Bautista at ang nifluencer na si Andrea Angeles matapos umalma ni Jamie sa sinabi ni Andrea tungkol sa asawa ni Jamie na si Anthony Leodones. Pinagtanggol ni Jamie si Anthony kaugnay sa sinabi ni Andrea na cheater umano ito at body shamer.


Nag-ugat ito nang i-post ni Andrea ang post ni Anthony na "inorder ko vs dumating sa'kin." Tinawag ni Andrea na cheater si Anthony at umalma din ito na umano'y ginagawang katatawanan ni Anthony ang pangangatawan ng asawa.


Nilinaw ni Jamie na ang tinutukoy nila sa post na iyon ay ang pagiging relax ng babae sa unang picture at nang maexperience umano nila ang pagkakayak ay nakakakaba pala.





Sina Anthony Leodones at Jamie Bautista ay kabilang sa mga content creator na mayroong maraming followers at subscribers sa social media. Kinaaliwan sila sa kanilang mga spoof sa mga viral na mga videos sa social media. Si Anthony ay isa sa malalapit na kaibigan ng vlogger na si Toni Fowler.