Madam Inutz, makulit na video ang umano'y reaksyon sa 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino



Maging si Madam Inutz ay napuyat umano sa panonood ng video ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.


Nalaman ng Trending Bytes na ito ay tungkol umano sa mga rebelasyon ng kanyang manager kung saan ang pinatutungkulan ay si Zeinab Harake na kapwa nila vlogger.




Isang makulit na video ang nagmistulang reaksyon ni Madam Inutz sa kontrobersyal na patutsadahan kung saan makikitang maitim na raw ang kanyang mga mata sa puyat dahil tinapos nila ang panonood sa pahayag ng kanyang Sir Wil.


"... Rebelasyon yan, pinuyat ako. Isa din ba kayo sa mga tumapos?" pabirong pahayag ni Madam Inutz kasama ng maiksing video niya na aakalain mong wala pang tulog.