MG, nagpasalamat kina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino



Binahagi ng content creator na si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ang picture nila ng partner niya habang nasa isang mamahaling restaurant. pinasalamatan niya sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino dahil kung hindi umano nagkaroon ng isyu ang dalawa ay wala siyang pang-good time.


Sinabihan niya din ang kanyang kapwa content creator na magpasalamat sa mga influencers kapag nagkakaroon ng issue dahil dito ay nagkakaroon sila ng dagdag views.


Naibahagi niyang nasa trending number 6 at isang number 8 ang mga content na ginawa niya kaugnay sa naging isyu nina Zeinab at Wilbert.




"Salamat kay ZEINAB AT KAY WILBERT (SANA MAGKA AYOS PA KAYO) Kung wala kayo wala akong pang good time. Sa ibang mga influencers dyan, pag nagkakaroon ng issue ang mga kapwa nyo vloggers magpasalamat kayo ha! Kundi wala kayong views hahaha"


Si Mark Jayson Warnakulahew o mas kilala sa tawag na Makagago ay isang content creator na unang sumikat sa kanyang mga diss videos. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2.7 million subscribers sa kanyang YouTube channel na Makagago Wazzup Man.