Mystica at Pambansang Kolokoy, kinaaliwan sa bagong video ni PK



Binahagi ni Pambansang Kolokoy sa kanyang YouTube channel ang bagong Mukbang video niya kasama si Mystica. Matatandaang nag-viral kamakailan ang video ni Mystica kung saan nakasama niya si PK.


Nilinaw naman ni Mystica na wala namang ibang kahulugan yung paghalik niya sa pisngi ni PK sa naibahagi niyang video na umani ng samu't-saring komento.



Ayon naman kay PK, na starstruck siya nang makita niya si Mystica dahil napapanood niya umano ito noon.


Naibahagi naman ni Mystica na bago ang kanyang showbiz career sa Pilipinas ay nanggaling na rin siya sa Amerika kung saan isa umano siyang dancer.


Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.