Robi Domingo, nilapag ang 'patunay' na mayroon siyang market



Nag-post si Robi Domingo ng picture ng isang public market na may nakalagay na pangalang Robi Domingo sa Twitter. Kalakip ng picture ay ang iconic na linyang “Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!”




Matatandaang sa nilabas na screenshot ni Wilbert ay makikita sa umano'y message ni Zeinab na walang market umano si Robi.



Narito ang komento ng netizens sa tweet na ito ni Robi:


"Hahahahaha naku Robi, on a serious note, you’re on a whole other level, please."


"Haleerrrr walang market? Ahahahaha nakakatawa sobrang bentang benta nga tong si sir."


"Apaka witty mo tlga beh. Kaya lab ka namen. Dun tayo sa may kalidad!! Gnoin"


Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.