RR Enriquez kay Wilbert Tolentino; "Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab"



Diretsahan ang mga naging pahayag ni RR Enriquez patungkol sa kontrobersyal na rebelasyon ni Wilbert Tolentino patungkol kay Zeinab Harake.


Nalaman ng Trending Bytes na hindi nakawala kay Sawsawera Queen ang naturang isyu nina Wilbert at Zeinab.


"Itong si sir Wilbert has ulterior motive. And feeling ko yung motive na yun is baka pabagsakin si Zeinab na," ani RR.


Ito ay dahil sa mga screenshot ng mga conversation nila ni Zienab na nagawa niyang ipakita sa publiko.




Agad namang nag-sorry si Zeinab sa mga taong nabanggit ang pangalan sa umano'y pasabog ni Wilbert.


Ito nga ang dahilan kung bakit tila lalong bumango ang pangalan ni Zeinab sa publiko.


"Dun nagkamali si sir Wilbert. Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab. Gaya ngayon humingi ng sorry si Zeinab, inako niya yung kanyang pagkakamali"


Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni RR Enriquez mula sa YouTube channel niya: