RR Enriquez sa sampahan ng kaso nina Glenda at Rosmar; "Pag-usapan niyo nalang 'yan"



Nagbigay ng kanyang reaksyon si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez sa umano'y issue ng mga CEO na sina Glenda Victorio ng Brilliant Skin at ni Rosmar Tan ng Rosmar Skin Essentials.


Nalaman ng Trending Bytes na pareho na umanong nagdemandahan ang dalawa matapos ang kanya-kanya nilang patutsadahan online.


Kaya naman nakaagaw ito ng pansin kay Sawsawera Queen na minsan na ring nadawit sa issue ng demandahan matapos na maloko siya ng ka-negosyo sa halagang Php 5 million.


Dahil dito, nagbigay si RR ng payo sa dalawa base sa 'stress' na naranasan niya sa pagsasampa ng kaso.



"Alam niyo ako ah, share ko lang. Nung nagstart ako nitong pandemic ng Cryolipo ko, mayroong nang-scam sa akin. almost Php 5 million talaga. Dinemanda ko siya pero grabe, sobrang stressful ng pandedemanda na 'yan. Hanggang sa nag-settle na lang kami ang dami kong nasabi na pangit sa kanya... Pwede pala niya ako idemanda. So ang nangyari, 'yung nang-scam sa akin, hindi ko siya naidemanda. kasi nga meron siyang panlaban sa akin. Idedemanda niya ako ng libel case tapos siya kakasuhan ko ng estafa. So nag-usap nalang kami kasi na-stress din ako." pagbabalik-tanaw ni RR.


"Ako ang payo ko sa dalawang CEO na 'to, kung hindi pa naman sobrang laki ng damage na nagawa, Naku! pag-usapan niyo nalang 'yan. Sobrang stressful niyang ginagawa niyo. Alam niyo ba kung sinong malulugi diyan? kayong dalawa," Ayon pa kay RR.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen YouTube channel: