Skusta Clee, nag-post tungkol sa taong aniya'y di nagabayan ng magulang nang maayos



Maging si Skusta Clee ay nag-post din sa Facebook kasunod ng pagkomento niya sa post ni Wilbert Tolentino. Ani Skusta, lalaking walang modo ang isang tao na hindi nagabayan nang maayos ng magulang.


Hindi din daw nararapat na respetohin ang taong basos kahit mayaman pa ito.


"Pag di ka nagabayan ng magulang mo ng maayos lalaki ka talagang walang modo. Kahit gano kapa ka wealthy kung bastos ka, walang respeto na para sayo."




Wala ding binaggit na pangalan si Skusta Clee. Gayunpaman, dahil isa ito sa mga kontrobersiyal na social media personalities, agad na umani ng reaksiyon at shares ang kanyang post.


Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".