Sunshine Cruz, natawa sa komentong inagaw siya ni Rayver Cruz kay Cesar Montano



Agad na nilinaw ni Sunshine Cruz na pinsan niya si Rayver Cruz. Ito ay matapos magkomento ng isang netizen at iniuugnay si Rayver kay Sunshine.


Sa Facebook post ni Sunshine Cruz ay makikita ang picture nilang magpinsan kasama ang rumored girlfriend ni Rayver si Julie Anne San Jose. Sa isa pang picture ay makikitang nakaakbay si Rayver sa pinsan niya.


Sinabi ng isang netizen na pa-pogi umano si Rayver at inagaw daw ni Rayver si Sunshine sa idol niyang si Cesar Montano.




Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.