Toni Fowler, nawala din ang Facebook page kagaya ng nangyari kina Ivana Alawi at Zeinab Harake



Ayon kay Toni Fowler, nawala din ang kanyang Facebook page kaya kinailangan niyang magpost na lamang sa kanyang personal Facebook account. Sa isang tweet noong Hunyo ay nabanggit niyang dalawang beses na umanong nawala ang kanyang FB page na malaking bagay pagdating sa kanyang hanapbuhay.


Muli niyang nabanggit ang tungkol sa pagkawala ng Facebook page niya matapos ihayag ni Ivana Alawi ang tungkol sa nangyari sa Facebook page nila ni Zeinab Harake.



Kagaya ng nangyari kina Ivana at Zeinab, wala umanong warning o notification na nareport ang mga page niyang nawala.




Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.