Toni Fowler, Php800,000 ang kauna-unahang kita sa YouTube



Naikwento ni Toni Fowler ang naging simula ng kanyang career bilang isang YouTuber sa bansa sa panayam sa kanya ni aren Davila.


Nalaman ng Trending Bytes na sa umpisa'y naging tambakan lamang umano niya ng kanyang mga video ang YouTube at hindi niya akalaing maari niya itong pagkakitaan.


"Kasi ang story ko po ng YouTube tambakan ko lang po ng videos. Tapos kinulit lang ako na alam ko pwedeng kumita diyan. Kinalkal lang niya ng kinalkal tapos minonetize niya lahat. Tapos ako, upload lang ng upload," ani Toni na kilala na rin sa tawag na 'Mommy Oni' na siyang tawag sa kanya ng anak niyang si Tyronia.


Hanggang sa nagulat na lamang siya nang may makakasalubong siya at nagsasabing nanonood umano sila ng kanyang mga videos.


"Ang sanay ako, nagpapa-picture sa'kin lalake. Nung tumagal na, 'uy pa-picture daw ng anak ko.' 'Mommy Oni pa-picture', hala mga bata na nagpapa-picture sa'kin. So natutuwa akong mag-upload," masayang pagbabalik tanaw ni Toni.


Hanggang sa nakuha na nga niya ang unang kita niya sa YouTube na nagkakahalaga ng Php 800,000.


Ngayon, isa na si Toni sa maituturing na kilalang YouTuber sa bansa na kumikita na ng milyon sa pagba-vlog.


Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila: