Wilbert Tolentino, sinabing totoo ang lahat ng naging pahayag ni Herlene Budol



Minabuti ni Wilbert Tolentino, ang kasalakuyang manager ni Herlene Budol na maglabas ng kanyang pahayag kaugnay sa pagreklamo ng alaga niya sa dati nitong manager. Totoo din umano ang tungkol sa pagpapapirma kay Herlene sa blangkong papel kaya tinuruan niya ang dalaga na huwag basta-basta pipirma dahil maaring ikapahamak niya.


Sa nilabas niyang pahayag, binahagi niya din na dalawang tao ang nagbigay ng raket kay Herlene na gumawa ng parehas na proseso, ang pagpapirma sa kanya sa blangkong papel.




Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.