Zeinab Harake, humingi ng dispensa sa mga kaibigang nadamay sa isyu



Humingi ng dispensa si Zeinab Harake sa mga taong aniya ay nadamay sa isyung kinakasangkutan niya. Hindi niya pinagkaila na nasabi niya ang mga nasa screenshot at hindi umano niya napag-isipan ang mga nabitawan niyang salita.


Hindi umano siya magbibigay ng excuse sa kanyang nasabi ngunit humingi siya ng dispensa kina Jelai, Alex, Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts at Sachzna.


Humingi din siya ng tawad sa mga tagasuporta niya na nadismaya sa kanya at sisikapin niyang maging mas mabuting tao.


"Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin. Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa'y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I'm so sorry."




Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.