Zeinab, pinabulaanang kalahating milyong piso ang bigay ni Wilbert para sa kanyang YT intro



Ilang minuto mula nang ilabas ni Wilbert Tolentino ang video sa kanyang YouTube channel na may pamagat na "Ang Rebelasyon", agad na naglabas ng pahayag si Zeinab Harake na pawang pinatutungkulan ng video.


Nalaman ng Trending Bytes na isa sa mga nilinaw ni Zeinab ay ang kalahating milyong piso na sinasabi ni Wilbert na binigay at ginastos niya para sa intro ng YouTube channel ni Zeinab.


"Ang nagastos ko po sa intro na 'yun ay Php1.1 million...Php300K lang kanya, asan 'yung 800k na pera na galing sa bulsa ko, para sa intro ko...Malaki ba 'yung Php300k sa 800K? 'Wag mong sabihin na galing sa'yo yun Ma" ani Zeinab.


Pinasalamatan pa ni Zeinab si si Wilbert at inalok pa niya na isauli ang nasabing halaga.




"Kung gusto niyo, ibalik ko 'yung Php300K ngayon, ibibigay ko walang problema, 'wag niyo lang akong ganyanin. Hindi totoo 'yung mga pinagsasabi mo sinungaling ka," bulalas ni Zeinab.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Facebook live na ibinahagi rin ng Create Food Ph YouTube channel: