Andrew Schimmer, inalay ang Most Inspiring Actor award niya sa misis na si Jho



Personal nang natanggap ni Andrew ang karawangalan bilang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia- Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila.


Nalaman ng Trending Bytes na halos hindi makapaniwala si Andrew sa natanggap na karangalan kahit pa marami ang nagsasabing deserve niya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng kanilang pamilya.


Hindi rin niya nakalimutan ang misis na si Jorhomy Rovero na siyang inalayan niya ng nakamit na award.


"Para sa'yo to Love ko, kaya ako may award," ani Andrew nang dumiretso siya mula sa awarding ceremony patungo sa ospital kung saan nakaratay pa rin umano ang kanyang misis.


Samantala, ibinalita naman kamakailan ni Andrew ang ilang 'good news' sa kalagayan ng asawa na patuloy na lumalaban sa kanyang kalagayan. Mula sa ICU ay nailipat na umano ito sa regular room.


Matatandaang naiuwi na noong Okttubre si Jho sa kanilang tahanan subalit makalipas lamang ang ilang araw, kinailangan na nitong ibalik sa ospital.