Kasalang 'Kathniel', tuloy na tuloy na umano sa 2023 ayon sa source ni Cristy Fermin



Kumbinsido si Cristy Fermin sa kanyang source na tuloy na tuloy na 'di umano ang kasalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa susunod na taon.


Nalaman ng Trending Bytes na wala pa mang nagaganap na proposal, tila magaganap na sa 2023 ang maituturing na magiging 'wedding of the century.'


"Kung kailan po next year, 'yun po ang tandang pananong sa atin," ani Cristy.


"Pero 'yun po ang kanilang paniniwala. at ako, sumasang-ayon ako"


"Labing-isang taon na po silang magkarelasyon. It's about time. Pati po ang kanilang mga edad, tamang-tama po talaga. Hinog na hinog na ang relasyong ito para sa pagpapakasal," dagdag pa niya.


Bukod sa edad, tila sapat na pundasyon ang 11 taon ng kanilang relasyon.


Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy na ikakikilig umano ng 'KathNiel' fans: