Kaye Abad, emosyonal dahil hindi naisama ang anak sa bakasyon sa Amerika



Emosyonal na nagpaalam si Kaye Abad sa anak na si Joaquin na hindi nila nakasama sa kanilang pagpunta sa Amerika dahil na-deny ang visa nito. Napagpasyahan ng mag-asawa na ituloy na lamang ang bakasyon nila dahil mayroon na rin silang ticket.


Iniwan na lamang nina Kaye at Paul Jake ang anak sa pamilya ni Kaye sa Manila. Anila excited sana sila para sa experience ni Joaquin na makapunta sa Amerika ngunit dahil sa nangyari ay wala na silang nagawa.


Marami naman ang naantig sa pagpapaalam ni Kaye kay Joaquin bago sila umalis:


"Kaye’s emotions got me teary eyed yayyyy know the feelings, love this fambam"


"Omg...naiyak naman ako. I know how it feels pag naiiwan mga kids. I'm sure you'll make it up next time. Even a better a more fun trip for sure."


"I cried when Kaye was saying goodbye to Joaquin. Why would they denied Joaquin the visa? Someday it will happen with your 2 kids in tow"


Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.