Super Tekla kay Donita Nose: "Simulan mo tatapusin ko!"



Usap-usapan sina Super Tekla at Donita Nose matapos ang kanilang mga post kung saan tila may hindi sila pagkakaunawaan. Sinagot ni Super Tekla ang naunang post ni Donita kung saan sinabi nito na huwag siyang 'simulan' ni Super Tekla.


Dahil nga sa katatapos lang na kaguluhan na kinasangkutan ng mga content creators, may mga netizens na nag-aabang kung magsasalita ba sila sa pamamagitan ng live video.


Hindi naman maiwasan ng iba na maisip na nagbibiruan lamang ang dating magka-tandem na nauna nang napapabalitang posibleng magsamang muli para sa paggawa ng content sa kanilang YouTube channel.




Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.