Andrew Schimmer sa pagpanaw ng misis; "Inabutan natin siyang nire-revive"



Naglabas ng maiksing video si Andrew Schimmer patungkol sa pagpanaw ng misis niyang si Jorhomy Rovero.


Nalaman ng Trending Bytes na una munang inilabas ni Andrew ang larawan ng kanila umanong mga kamay na may couple ring.


Hindi nagtagal, naglabas ng maiksing video si Andrew na kinukumpirma ang pagpanaw ni Jho.


Aniya, kasalukuyan siyang nasa taping sa GMA nang makatanggap ng tawag mula sa St. Luke's kung saan nakalagak ang misis.


Hindi siya nagdalawang-isip na lisanin ang taping nainihingi naman niya ng dispensa sa network.


"Inabutan natin siyang nire-revive ng mga doctors at nurses. They did evertyhing they could," emosyonal na sinabi ni Andrew.


Ang masaklap pa umano sa nangyari, kaarawan ng kanilang bunsong anak ngayon na hindi na inabutang buhay ang ina.


"Ang sakit lang, birthday ng bunso namin mamaya... Hindi siya inabutan nung bunso namin," naluluha nang sinabi ni Andrew.


Patuloy pa rin ang pasasalamat niya sa mga taong hindi umano sila iniwan mula umpisa hanggang sa huling oras ng misis niyang si Jho.