Bagong kasal sa Batangas, instant milyonaryo sa PHP1.8 million cash gift ng mga bisita



Masasabing napak-swerte umano ng bagong kasal sa Laurel, Batangas nang makatanggap ang mga ito ng PHP1.8 million cash gift mula sa kanilang naging bisita.


Nalaman ng Trending Bytes na ang mag-asawa ay sina Leziel at Julius Perea na tila maganda ang simula ng pagsasama bilang mag-asawa sa maagang biyayang naibigay sa kanila.


Sa ulat ng GMA News, makikita ang halaga ng cash gift na bigay sa kanila ng mga bisita. Mula Php100,000 hanggang sa tumataginting na Php1 million ang halagang natanggap nila.


Ang isang milyong piso na ito ay regalo ng kanilang mga magulang na nagnenegosyo ng palaisdaan.


Ayon kina Leziel at Julius, nailagak na nila sa bangko ang PHP1.8 million na natanggap na gagamitin nila sa sarili nilang negosyo at para na rin sa bubuuing pamilya.