Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nag-birthday sa burol ng kanyang Mommy Jho



Umantig sa puso ng maraming netizens ang video ni Xander, ang bunsong anak nina Andrew Schimmer at namayapa na nitong fiancee na si Jorhomy "Jho" Rovero.


Matatandaang nang kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng kanyang misis, mas lalo itong napahagulhol nang sabihin iyon din ang araw ng kaarawan ng kanilang bunsong anak. Hindi na rin daw umano nito inabot na buhay ang kanyang ina.


Nalaman ng Trending Bytes na sa burol ni Jho sa Bulacan, nag-blow ng birthday candles si Xander na ngayong siyam na taong gulang na.


Wala itong ibang hiling kundi ang makasama muli na maayos ang kondisyon ng kanyang ina.


"I want to see Mommy again"


"I love you and I miss you"


"I always wanted to spend more time with you Mommy"


"Mommy... It's my Birthday today"


"Someday we will see each other again"


"We will keep making you proud every single day Mommy," ang ilan sa mga nasambit ni Xander habang nasa tabi ng labi ng kanyang ina.


Narito ang kabuuan ng video mula sa Facebook page nilang The Schimmers: