Ina ni Jho Rovero, emosyonal sa naging birthday wish ng kanyang apo



Aminadong naiyak at naging emosyonal si Josephine Penaranda, ang ina ni Jorhomy "Jho" Rovero sa naging birthday wish ng kanyang apo na si Xander.


Nalaman ng Trending Bytes na nagdiwang itong kanyang 9th birthday sa burol ng ina sa Bulacan.


Matatandaang sa video na ibinahagi ni Andrew Schimmer noong Disyebre 20 bilang pagkumpirma ng pagpanaw ni Jho, nasabi rin nito na iyon din ang araw ng kaarawan ng bunso nilang anak.


Isang araw ang nakalipas, ibinahagi nila ang video ni Xander na nag-blow ng candle ng kanyang birthday cake sa tabi ng labi ng kanyang ina.


"I want to see Mommy again"


"I love you and I miss you"


"I always wanted to spend more time with you Mommy"


"Mommy... It's my Birthday today"


"Someday we will see each other again," ang mga katagang nasambit ni Xander na labis na umantig sa puso ng marami.


Dahil dito, naibahagi ng ina ni Jho ang kalungkutang nadama nang marinig ang hiling ng apo.


"Hindi ko kinaya wish ng apo ko, naiyak ako," pahayag ni Josephine sa kanyang post.



Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.