Misis, labis ang hinagpis nang pumanaw ang mister isang araw matapos silang ikasal



Labis ang kalungkutan na nadarama ni Aj Jallorina matapos na pumanaw ng mister na si James Steven Chong isang araw matapos silang ikasal.


Nalaman ng Trending Bytes ikinasal sina AJ at James noong Disyembre 15 subalit sa kasamaang palad, binawian ng buhay si James noong Disyembre 16.


"Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo," ani Aj na masayang pumirma ng marriage certificate nila subalit isang araw lamang ang pagitan, death certificate naman ng kanyang asawa ang pinipirmahan.


"From congratulations to condolences," ang isa sa masaklap na bungad ng kanyang madamdaming post.


Narito ang kabuuan ng post:




Inulan ng pagdadalamhati at pakikiramay ang post na ito ni AJ kung saan ibinahagi rin niya ang masayang wedding photo nila ng namayapa nang si James.