Ogie Diaz, sinabing emosyonal ang mga anak ni Vhong sa pansamantalang paglaya nito



Ibinahagi ni Ogie Diaz ang ilang mga detalye nang makalaya na si Vhong Navarro noong Martes, Disyembre 6.


Nalaman ng Trending Bytes na tila nahimasmasan ang mga anak ni Vhong nang makita siya ng mga ito sa kanila mismong tahanan.


Ayon pa kay Ogie D, halos hindi na bitiwan si Vhong ng mga anak na nagkaroon 'di umano ng anxiety dahil sa pagkakakulong ng ama.


"Pagdating ni Vhong sa kanilang bahay, nagtatatalon ang mga bata asa tuwa.Napakahigpit na yakap na halos ayaw nang pakawalan si Vhong ng kanyahng mga anak. Nag-iyakan din ang mga dahil s pagka-miss nila kay Daddy Vhong," ani Ogie Diaz.



May ilang mga kaibigan na rin si Vhong na bumisita sa kanya at nakausap niya kahit sa pamamagitan manlang ng video call.


Sa ngayon, nagpapahinga muna si Vhong kasama ang kanyang pamilya at binabalak din ang pagbabalik nito sa It's Showtime sa takdang panahon.