Skusta Clee, humingi ng tawad kay Zeinab Harake; aminado sa kasalanan niya



Naiintindihan daw ni Skusta Clee yung desisyon ni Zeinab Harake na ilayo sa kanya ang anak, Aniya, alam niyang may mali siyang nagawa.


Humingi ng pasensiya si Skusta kay Zeinab dahil aniya ay tao lang din siya. Sa live video niya sa Instagram, nabahagi din ni Skusta na bilib siya sa pagiging ina ni Zeinab sa anak nila. Inamin niya din na kahinaan niya si Bia. Ito lang umano ang nakakapgpapalambot sa kanya.




Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.