Alex Gonzaga, hindi napigilang maging emosyonal sa kanyang podcast



Hindi napigilan ni Alex Gonzaga na maging emosyonal sa video niya na kuha sa kanyang podcast. Sa kanyang video na pinamagatang "Pagiging Mayabang ba kapag Ikaw ay naging Matapang," inilabas ni Alex ang kanyang saloobin.


Inamin niyang madali siyang masaktan at maapektuhan kapag may ginawa sa kanyang hindi mabuti. Aniya, pinapakita niya na siya ay matapang ngunit ang nagiging dating sa ibang tao umano ay siya ay mayabang.


"Mahirap siyang aminin sa sarili mo na, Im a weak person. Yung mukha kang matapang sa harap ng maraming tao pero ang bilis mong masaktan. Pag may sinabi sa'yo or may ginawa sa'yo yung isang tao, parang apektado ka pero ayaw mong maging ganong klaseng tao."


Gayunpaman aniya, mabilis lang mawala ang kanyang galit. Naibahagi niya rin ang kanyang pinagdaanan dahil sa kanyang pakiramdam ay hindi siya kasing-espesyal ng kanyang ate para sa kanilang pamilya.


Alam naman niyang hindi naman iyon totoo. Dahil dito ay hinanap niya sa pagkakaroon ng love life ang kakulangan na kanyang nararamdaman.