Luis Manzano, bumwelta sa basher na nanlait sa anak nila ni Jessy Mendiola



Sinupalpal ni Luis Manzano ang isang basher na kumuwestiyon sa ginagawa nila ni Jessy Mendiola na pagtatakip sa mukha ng kanilang anak sa mga picture na kanilang binabahagi. Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol sa mag-asawa at nagsabing karapatan naman ng mag-asawa iyon.


“Bakit dimo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba yan? Dami nyo arte [laughing emojis] by the way congrats na lang sainyo Lucky Manzano," komento ng naturang Facebook user.


Bwelta ni Luis, hindi naman nila pinapakialaman ang basher sa kung ano ang itsura nito.



“kayo nga po pinagisa niyo pisngi, leeg, at baba niyo di namin po kayo pinapakialaman"


Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.