Ogie D sa komentong tila dog show na ang Darna; "Feeling ko sinasadya 'yun"



Marami-rami na ang mga naglalabas ng video clips mula sa Darna na animo'y naging dog show na sa ilang eksena.


Nalaman ng Trending Bytes na isa ito sa dahilan bakit napapag-usapan ang naturang serye kamakailan dahil umano sa nadadalas na ganitong mga eksena.


Marami 'di umano ang tila nagpataas ng kilay habang naging katatawanan naman ito para sa marami.


Paliwanag ni Ogie Diaz sa kanyang pinakabagong Showbiz Update, maaring sinadya umano ang mga ganitong klaseng eksena upang madaling matandaan ng mga manonood at abangan pa ang mga susunod na mangyayari.


"Kaya feeling ko sinasadya 'yun para maapektuhan 'yung panonood ng mga tao at ang ending, huh? ba't nagkaganito... Babalikan yung eksena atapos iti-tweet. Ipo-post sa Facebook, ipo-post sa TikTok. Kaya lalong nacu-curious ang mga tao na, ha? San' to? Manood nga ako," ani Ogie.


"'Pag medyo off 'yung scene, 'pag medyo huh? Ba't nangyari 'yun, dinudukot nila, bina-viral kaya ang ending nagti-trending," dagdag pa nito.