RR Enriquez sa cake issue ni Alex Gonzaga: "Hindi naman ako sobrang namalian"



Hindi nakawala kay Sawsawera Queen RR Enriquez ang cake issue kamakailan ni Alex Gonzaga.


Nalaman ng Trending Bytes na para kay RR, hindi gaanong mali ang nagawa ni Alex na pamamahid ng icing ng cake sa isang waiter.


Aniya, madalas ang pahiran ng icing sa mga kaarawan at nagkataong kaarawan ni Alex nang mangyari ang kontrobersyal na insidente.


"Hello kapag birthday mo, you are allowed na magpahid ng cake... 'Yun nga lang kasi siguro hindi niya ka-close si waiter," ani RR.


Ito kasi ang naging dahilan upang maglabasan ang kabi-kabilang komento ng netizens na umano'y nakatrabaho ni Alex.


Sinasabi ng mga ito na tila may ibang ugali si Alex maging ang ate nitong si Toni Gonzaga.


"Bilang galing ako sa showbiz. To be honest, totoo... totoo talaga may naririnig kaming ganyan about Toni and Alex. Pero hearsay e. Hindi mo alam. Like ako, hindi ko pwedeng sabihin na totoo yun. Never ko naman nakatrabaho si Toni Gonzaga. Si Alex, yes. Nakakasama ko siya minsan kapag may mga guestings ako, yung nandun o siya yung host. Never naman ako naka-encounter na anything bad sa kanya," pagbabalik-tanaw ni RR.


Kaya naman sa nangyari, magsilbing aral na lamang daw ito sa lahat lalo na kay Alex na maging maingat sa mga kakulitang nagagawa sa iba.


"Ako to be honest, nung napanood ko yung viral video ni Alex Gonzaga, hindi naman ako sobrang namalian. Ano bang masama sa pagpahid ng cake? HIndi naman niya sinampal sa mukha ni Kuya yung cake. I'm sure hindi naman intensyon ni Alex Gonzaga na bastusin yung waiter. I guess matututo na si Alex niyan," ani RR.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang RR Enriquez Sawsawera Queen: