Vice Ganda, sinorpresa ang kanyang mga kababata sa probinsiya



Pinasaya ni Vice Ganda ang kanyang mga kababata at mga naging kalaro sa probinsiya tuwing uuwi siya dati para magbakasyon sa kanyang lolo. Bukod sa kamustahan at kwentuhan tungkol sa kanilang kabataan, hindi pinalagpas ni Meme ang pagkakataon na mapasaya ang mga kababata.


Isa sa kanyang kababata ay nagkasakit at nabaon sa utang dahil sa pagpapagamot. Naiyak ito matapos makausap si Vice sa telepono kung saan sinabi niyang babayaran nito ang utang niya at sasagutin ang pagpapagamot niya.


Washing machine naman at college scholarship para sa anak ng isa niyang kababat ang handog niya sa isa pa nilang kababata.


Bukod dito, nagbigay din siya ng mga baboy at pagpapagawa ng koral ng mga ito para sa pangkabuhayan ng isa pa nilang kababata.


Isang motor ang binigay niya sa isa pa nilang kababata.


Marami ang naantig sa ginawang ito ni Vice sa kanyang mga kababata.