Zeinab Harake, inaming muntik na niyang i-delete ang kanyang YouTube channel



Naibahagi ni Zeinab Harake na minsan nang sumagi sa isip na na burahin ang kanyang YouTube channel.


Nalaman ng Trending Bytes na sa kanyang pagbabalik-tanaw sa mga kaganapan sa kanyang 2022, aminado siyang mahirap ang kanyang mga pinagdaanan lalo na at ito ang taon kung kailan siya naging single mom.


Dahil dito, inamin niyang muntik na talaga niyang i-delete na lamang ang kanyang channel.


"Meron akong moment na gusto kong i-delete 'yung channel ko. Talaga! Sabi ko, ayaw ko ng media.. Sobrang toxic na nito. Hindi ko na alam paano i-explain ng paulit-ulit 'yung sarili ko."


Subalit dahil na rin sa kanyang mga Zebbies na patuloy siyang sinusuportahan, itinuloy pa rin niya ang paggawa ng mga content.


"Mula noong 2019 hanggang sa nagstay kayo noong 2022, maraming-maraming salamat. HIndi niyo alam kung paano ko kayo tinignan nung mga times na gusto kong sumuko."


"Kung hindi dahil sa inyo, this 2023 wala na kayong videos na mpanood," dagdag pa ni Zeinab.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: