Boy Abunda, interesado umanong malaman kung totoong may anak sina Aj at Aljur



Nagbigay pahayag din si Boy Abunda sa pasabog nina AJ Raval at Aljur Abrenica noong Valentine's Day.


Nalaman ng KAMI na ito ay ang kani-kanilang mga Instagram post na inilabas noong February 14.


Hindi pa man nagkukumpirma noon ang magkabilang panig ay nadadalas nang makita na sila ay magkasama.


Matatandaang naging matunog pa ang umano'y pagbubuntis ni AJ na pilit itinago raw sa publiko bagay napag-uusapan din subalit walang makapagsabing may anak na nga ang dalawa.


"Ang natitira na lamang na pinag-uusapan na hindi pa nako-confirm ay I'd like to talk to you about this AJ, Aljur. I haven't met AJ Raval. Pero ang gustong malaman ng tao nasan ba, totoo nga ba 'yung mga usap-usapan na meron silang anak."


Dahil dito, nais na makapanayam ni Boy si AJ na hindi pa raw niya nakikilala nang personal.


"That was really talked about ng napakatagal nang panahon. But AJ, If you don't want to address that question, okay lang sa akin dumating ka lang dito sa Fast Talk with Boy Abunda."


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa programang Fast Talk with Boy Abunda na mapapanood din sa GMA Network YouTube channel: