Cristy Fermin, hindi na raw nagulat sa pag-amin nina AJ at Aljur



"Given na po 'yan!" ani Cristy Fermin sa ginawang paglalantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa kanilang relasyon.


Nalaman ng Trending Bytes na isa ito sa tinalakay nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode ng Showbiz Now Na!


Matatandaang nito lang Araw ng mga Puso, halos sabay na nag-post sina AJ at Aljur ng mga larawan kung saan sila'y magkasama kalakip pa ang caption ni AJ na patungkol sa pag-ibig niya sa aktor.


Subalit hindi na raw nagulat si Cristy sa ginawang ito ng dalawa. Ang hinihintay na lamang daw umano ng publiko ay ang kumpirmasyon tungkol sa anak nina AJ at Aljur.


"Pero ang tanong po ng bayan mga ka-chika, hindi po yun tungkol sa relasyon nila. dahil giveaway na po yan, given na po yan. Ang tanong po ng bayan ngayon lalo na ng mga netizens, kailan kayo aamin na mayroon na kayong anak?"


At sakaling gawain man ito ng dalawa, masasabing hindi na rin gaanong magugulat o masusupresa ang publiko sa dami ng bali-balita noon ng umano'y patagong panganganak ni AJ.


"Ngayon ang tanong na lang, kailan kayo magdedesisyon na magsabi at umamin na tunay na tunay na mayroon na kayong anak?"


Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!: