Cristy Fermin; "Meron daw tinaray-tarayan itong si James Reid"



Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ay ang tungkol sa kanseladong concert ni James Reid sa Amerika.


Nalaman ng Trending Bytes na isa sa nakita umanong dahilan nina Cristy ay ang nakarating sa kanilang balita na may tinarayan 'di umano si James sa dating concert nila noon ni Nadine Lustre.


"Meron daw tinaray-tarayan itong si James Reid. Papaano siya magtatagumpay dito sa Winnipeg? e tinaray-tarayan niya ang mga tagarito noong last concert nila ni Nadine."


Sa nangyayari raw ngayon kay James, lalong lumitaw ang pangalan ni Nadine na siyang nagdala ng kanilang love team noon.


"Dito, obvious na obvious na 'yung babae ang lumutang. Kasi alam naman natin, naging best actress. Kumita pa, nag-number one ang pelikulang deleter ni Nadine Lustre. So kayang-kaya pala nito ni Nadine na wala si James Reid. Pero itong si James Reid, anong naganap? Kailangan niya talaga itong si Nadine."


"Ngayon nagkaalaman. Bakit hindi niya nasabi na kaya na-cancel yung kanyang concert tour na ito e hindi gumalaw ang bilihan ng ticket," dagdag pa ni Cristy.


Napag-usapan din nila ang ginawang career move ni James nang umalis ito sa Viva at hinarap ang kapalaran niya sa Amerika.


"Kumbaga, minaliit mo itong napakalaking milagrong ginawa sa karera mo. Sa pag-asa mo na kapag ikaw na lang ang nag-manage ng karera mo ay totodo nang husto ang kasikatan mo, anyare?"


Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!: