Cristy Fermin, puring-puri si Coco Martin sa paraan ng pagtulong nito



Puring-puri ni Cristy Fermin ang aktor na si Coco Martin kaugnay sa pagtulong nito kay Pen Medina. Sa kanyang programang Cristy Ferminute, sinabi niyang kung hindi pa naikwento ni Pen ay hindi malalaman ng tao ang tungkol sa pinaabot na tulong ni Coco.


Ani Cristy, maganda ang ginawang pagtawag ni Coco kay Pen para alukin ng trabaho kung kaya na nitong magtrabaho. Ito umano ang totoong pagtulong, yung itinataas ang halaga ng tao at hinid pinagmukhang kaawa-awa.


Ito umano ang tulong na mula sa puso dahil hindi pinangangalandakan sa mga tao.


Matatandaang sa ginanap na media conference para sa seryeng "Batang Quiapo," naging emosyonal si Pen nang ibahagi ang kanyang pasasalamat sa ginawang tulong sa kanya ni Coco hindi lang sa kanyang pagpapaopera kundi sa pagkuha sa kanya sa trabaho para unti-unti silang makabangon.