Cristy Fermin, sinabing na-chismis umano si Vice Ganda ng sariling kaibigan



Matindi ang naging pahayag ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! tungkol umano sa nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda.


Sinabi ni Cristy na mismong malapit na kaibigan ni Vice ang nagparating nito sa kanya.


"Tutal, tinatawag mo kaming tatlo na mga chismosong chaka 'di ba? Okay, di ka namin papatulan pero may kikwento kami. Hindi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa'yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy imburnal," ani Cristy.


"Ang sabi niya, ang lakas-lakas ng loob niya na mamintas. Diyos ko! kung alam niyo lang, antindi ng amoy ng hininga niyan. Parang bulok na daga," dagdag pa nito.


Dagdag pa ni Cristy, tila nadadalas daw kasi ang napapansing ugali ni Vice sa pakikitungo niya sa ibang tao at isa na rito ang umano'y nagawa niyang pagsagot kay Karylle sa It's Showtime.


"Kaya nga, 'wag kang mamimintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sa'yo na resibo," ayon pa kay Cristy.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!: